Saan Na Nga Ba'ng Barkada Lyrics by Apo Hiking Society

All Apo Hiking Society Lyrics

Sinopsys
 lyrics title      : Saan Na Nga Ba'ng Barkada
 performed by : Apo Hiking Society
 language       : tagalog
 added on       : April 24, 2010
 modified on   : April 24, 2010

Saan Na Nga Ba'ng Barkada

Nagsimula ang lahat sa iskuwela. nagsama-samang labingdalawa.
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay saya.
Laging may hawak-hawak na gitara, konting udyok lamang kakanta na.
Kay simple lamang ng buhay noon, walang mabibigat na suliranin.
Problema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon.

[Chorus]
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon.
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon.

Sa unang ligaw kayoy magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
Nagkawatakan na sa kolehiyo, kanya-kanya na ang lakaran.
Kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibigay hindi nawala.

At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating iskwelay meron ding naiwan.
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang,
Nakaka miss ang dating samahan.

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan saan na nga bang barkada ngayon.
Ilang taon din ang nakalipas, bawat isa sa amiy tatay na.
Nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kamiy nagkikita, mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala.

Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.

Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.

Apo Hiking Society

Apo Hiking Society lyrics: [Apo Hiking Society] - lyrics in tagalog [tagalog]

Among others we have the following lyrics performed by Apo Hiking Society

  • Doo Bidoo [I.Kapag nag-iisa't kasama ang gitara Basta't ...]
  • Nakapagtataka [Nakapagtataka [J. Paredes] Walang tigil ...]
  • Anna [I LONG TO TELL YOU HOW MUCH I NEED YOU ...]
  • Awit Ng Barkada [Awit Ng Barkada Nakasimangot ka na lang ...]
  • Ewan [Ewan Hindi ko alam kung bakit ka ganyan ...]

More lyrics performed by Apo Hiking Society
More lyrics in tagalog

Share & Bookmark

Share this site with others. Help us to grow... or simply bookmark this page :)

Share/Save/Bookmark