Ang Bayan Kong Sinilangan (Timog Cotabato) Lyrics by Asin

All Asin Lyrics

Sinopsys
 lyrics title      : Ang Bayan Kong Sinilangan (Timog Cotabato)
 performed by : Asin
 language       : tagalog
 added on       : March 22, 2009
 modified on   : September 15, 2009

Ang Bayan Kong Sinilangan (Timog Cotabato)

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.
Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.
Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?
Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo.
Coda:
Sa bayan kong sinilangan [bakit may gulo...]
Sa timog Cotabato [sa timog Cotabato]
Ako ay namulat [kailan matatapos...]
Sa napakalaking gulo [ang gulo]
Dahil walang respeto [kailan magkakasundo...]
Sa prinsipyo ng kapwa tao [ang tao]
Kapwa Pilipino [kapwa Pilipino...]
Ay kinakalaban mo [bakit kinalaban mo]
Ang gulo

Asin

Asin lyrics: [Asin] - lyrics in tagalog [tagalog]

Among others we have the following lyrics performed by Asin

  • Gising Na Kaibigan [Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong ...]
  • Himig Ng Pag-ibig [Hoo hoo-hoo hoo-hoo Hoh hoh-hoo hoo-hoo ...]
  • Panibagong Bukas [Bakit ba ganito, panahon na kay gulo May ...]
  • Ang Bayan Kong Sinilangan [Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato ...]
  • Pagbabalik [Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw Ng ilaw ...]

More lyrics performed by Asin
More lyrics in tagalog

Share & Bookmark

Share this site with others. Help us to grow... or simply bookmark this page :)

Share/Save/Bookmark