Itanong Mo Sa Mga Bata Lyrics by Asin

All Asin Lyrics

Sinopsys
 lyrics title      : Itanong Mo Sa Mga Bata
 performed by : Asin
 language       : tagalog
 added on       : March 22, 2009
 modified on   : September 15, 2009

Itanong Mo Sa Mga Bata

Ikaw ba'y nalulungkot, ikaw ba'y nag-iisa?
Walang kaibigan, walang kasama
Ikaw ba'y nalilito, pag-iisip mo'y nagugulo?
Sa buhay ng tao, sa takbo ng buhay mo?
Ikaw ba'y isang mayaman, o ika'y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa ang mas nahihirapan?
Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba't walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita
Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan, ikaw ma'y naguguluhan
Tayo ay naglalakbay, habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay
Tungo sa hanap nating buhay?
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin?
Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan ?
Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba't walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita

Asin

Asin lyrics: [Asin] - lyrics in tagalog [tagalog]

Among others we have the following lyrics performed by Asin

  • Ang Bayan Kong Sinilangan [Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato ...]
  • Pagbabalik [Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw Ng ilaw ...]
  • Gising Na Kaibigan [Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong ...]
  • Panibagong Bukas [Bakit ba ganito, panahon na kay gulo May ...]
  • Himig Ng Pag-ibig [Hoo hoo-hoo hoo-hoo Hoh hoh-hoo hoo-hoo ...]

More lyrics performed by Asin
More lyrics in tagalog

Share & Bookmark

Share this site with others. Help us to grow... or simply bookmark this page :)

Share/Save/Bookmark