Bahay Lyrics by Gary Granada

All Gary Granada Lyrics

Sinopsys
 lyrics title      : Bahay
 performed by : Gary Granada
 language       : tagalog
 added on       : January 25, 2012
 modified on   : January 25, 2012

Bahay

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

Gary Granada

Gary Granada lyrics: [Gary Granada] - lyrics in tagalog [tagalog]

Among others we have the following lyrics performed by Gary Granada

  • Balitaan Mo Ako [Ang mundo ko ay gumuho nang sinabi mo sa ...]
  • Ang Butil Ng Pag-ibig [Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal ...]
  • Paano Mahalin Ang Katulad Mo [Di ko maikakaila ang pag-aalala Na sa tuwi-tuwina'y ...]
  • Taho [Kanina pa ako nagbabantay Di ka naman sumusulpot ...]
  • Puhunan [Sa pamilihan ng lipunan, sarisarin'g paninda ...]

More lyrics performed by Gary Granada
More lyrics in tagalog

Share & Bookmark

Share this site with others. Help us to grow... or simply bookmark this page :)

Share/Save/Bookmark