Hanggang Kailan, Hanggang Saan Lyrics by Gary Granada

All Gary Granada Lyrics

Sinopsys
 lyrics title      : Hanggang Kailan, Hanggang Saan
 performed by : Gary Granada
 language       : tagalog
 added on       : March 22, 2009
 modified on   : September 15, 2009

Hanggang Kailan, Hanggang Saan

Sa isang yugto, ang rosas ay
Matutuyo, mamamatay
Katulad ng marami nang sumpaan
Sa isang puwang ng hininga
Nagbago ang isa't isa
May aalis at may isang iiwan

Tayo kaya ay magtatagal
O sing-ikli ng isang kanta
Gaano kaya kung magmahal
Hanggang kailan, hanggang saan sinta

Sa isang iglap magbabalik
Sa isang sulyap, sa isang halik
Maya-maya ay minsan pang lilisan
Minsang sumpa'y nakakalas
At sugat ay dumadalas
Paano pa, paano lulunasan

Tayo kaya, mangangako pa
Kung ang tamis di na madama
Dapat kaya, dapat pa ba
Hanggang kailan, hanggang saan sinta

Hangga't buo pa ang daigdig
At puso ko ay may pintig
Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan
Ang tagginaw at tagtuyot
Ang tagpanglaw at taglungkot
Sa piling mo'y aking makakayanan

Hanggang tilas ay magbagong-anyo
Hanggang sila'y maging paruparo
Giliw sana'y pag-ibig mo
Katulad ng pag-ibig ko sa iyo
Hanggang ako't ika'y naririto

Gary Granada

Gary Granada lyrics: [Gary Granada] - lyrics in tagalog [tagalog]

Among others we have the following lyrics performed by Gary Granada

  • Madaling-araw Na [Madaling-araw na, isip mo'y malalim-lalim ...]
  • Matandang Musikero [Di pa uso noon ang hi-tech At wala pang ...]
  • Hanggang [Hanggang sa muling pagsasama Hanggang sa ...]
  • Kung Ayaw Mo Na Sa Akin [Kung ayaw mo na sa akin Wala akong magagawa ...]
  • Kababaihan [Mula sa umpisa ang buhay ko'y nakasalalay ...]

More lyrics performed by Gary Granada
More lyrics in tagalog

Share & Bookmark

Share this site with others. Help us to grow... or simply bookmark this page :)

Share/Save/Bookmark